Hinikayat ng Philippine Red Cross ang Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na ang pagsasagawa ng licensure examinations para sa mga doktor at nars kahit na may community quarantine.
Paliwanag ni Gordon, ang COVID-19 pandemic ay nagdulot ng napakalaking dagok sa health care system ng bansa kung saan higit na kailangan ang mga doktor at nars na mag-aasikaso sa mga may sakit.
Maliban dito, iminungkahi rin ng senador na payagan ang medical examinees na magtrabaho sa healthcare facilities upang alagaan ang mga pasyenteng may COVID-19, habang hinihintay nila ang resulta ng kanilang pagsusulit. — sa panulat ni Hyacinth Ludivico