Ikinalugod ng Philippine Red Cross ang resulta ng imbestigasyon ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM sa laboratory test ng kanilang molecular laboratory sa Subic, Zambales.
Nagpasalamat naman ang PRC sa “unbiased” na imbestigasyon ng RITM.
Una nang kinuwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 45 false positive results mula sa 48 RT-PCR swab tests sa subic baypointe hospital na sinuri ng PRC.
Nakumpleto naman ng RITM ang imbestigasyon noong Oktubre 13 kung saan nakasaad na walang nakitang ebidensya ng kontaminasyon para sa 48 cases na itinest ng red cross subic laboratory.—sa panulat ni Drew Nacino