Kinansela na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang lahat ng licensure exam na nakatakda ngayong Marso hanggang Abril.
Kabilang dito ang licensure exam para sa mga doktor na nakatakda sa Marso 14-16.
Ang iba pang nakansela ay ang qualifying assessment for foreign medical professionals, physician licensure examination, medical technologists licensure exam, licensure exam para sa mga guro, electornic engineers at technicians, midwives, registered electrical engineers at master electricians at pharmacists.
Pinapayuhan ang lahat ng bisitahin lagi ang website ng prc para sa kaukulang anunsyo.