Mayroon nang sampung lisensiyadong coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing laboratories ang Philippine Red Cross sa buong bansa.
Ayon kay dating Health Secretary Pauline Ubial, pinuno ng Biomolecular Laboratories ng Philippine Red Cross, target na rin nilang buksan sa susunod na linggo ang mga karagdagang laboratoryo sa Surigao, Cotabato, Passi City sa Iloilo at Isabela.
Sinabi ni Ubial, bumababa na rin sa 4% mula 7% ang nakukuha nilang positive results sa mga nagpapasuri sa COVID-19.
Aniya, maituturing itong magandang development sa usapin ng pagkontrol sa pagkalat ng virus sa bansa.
Samantala, tiniyak ni PRC Chairman Senador Richard Gordon na patuloy silang kumikilos para gawaing mas mura ang singil sa COVID-19 test sa Pilipinas.