Nagbabala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko sa panganib ng dengue fever ngayong tag-ulan.
Pinayuhan ang mga Pinoy na mag-ingat gayundin na makipagtulungan sa mga interventions sa kalusugan upang maiwasan ang mga hot spots .
Paalala naman ng PRC na sundin ang 4s protocols laban sa dengue ito ang : Search and Destroy Breeding Places, Self Protection Measures, humingi ng maagang konsultasyon at magsabi ng yes sa fogging operations.
Ipinaalala rin ng PRC ang mga self protective measures tulad ng pagsusuot ng long pants at long sleeve shirts gayundin ang araw araw na paggamit ng mosquito repellants.
Ipinabatid naman ng DOH ang dengue ang pinakamabilis na kumakalat sa Vector Borne Disease sa mundo na endemic sa 100 bansa kabilang na ang Pilipinas. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5), sa panulat ni Rashid Locsin