Nagpadala na ang Red Cross ng ilang mga kagamitanang makatutulong sa isinasagawang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon sa chairman nito na si Senador Richard Gordon, hindi dapat aniya magka-aberya ang ginagawang testing ng RITM, kaya’t minabuti na nitong padalhan ng mga kinakailangang kagamitan.
Bago nito, sumulat noong lunes, si Vince Dizon, deputy chief implementer ng National Task Force COVID-19kay gordon para humiram ng mga kagamitan para sa RITM.
Kung agad na iniutos ni Gordon ang pagpapahiram ng mga testing items sa RITM.
Samantala, tiniyak naman ni deputy chief implementer Vince Dizon, na kanila agad papalitan ang mga ipinahiram na testing items, oras na dumating ang mga inorder nito sa China.