Nagpadala ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga food trucks sa Manila North Port para sa 250 na-stranded na indibidwal.
Ayon kay PRC chairman at senator Richard Gordon, naglalaman ang mga ito ng mainit na pagkain para samga indibidwal na bibiyahe sana patungong Zamboanga, Cagayan, Ozamis, Cebu at Bacolod City.
Maliban dito, nagbigay din ang PRC Welfare Team ng damit, face mask at hygiene kits.
Patuloy naman ang pagtiyak ng ahensiya ng tulong sa lahat ng nasalanta ng pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao. —sa panulat ni Abby Malanday