Nagsalita na ang Philippine Red Cross sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat i-audit ang pondo ng PRC partikular ang mga donasyong nagmumula sa gobyerno.
Ayon sa red cross, sila ay tumatanggap ng mga donasyon mula sa ahensya ng pamahalaan bilang isang humanitarian organization.
Ang paggamit anila sa nasabing pondo ay alinsunod sa mga likidasyon ng mga ahensya ng donor at mga pag-uulat o reportorial requirements.
Nilinaw ng PRC na ang mga ahensyang ito ay isinasailalim sa taunang pag-audit ng Commission On Audit.—sa panulat ni Drew Nacino