Nagsimula nang tumanggap ngayong araw na ito ng laway o saliva sample ang dalawang laboratoryo ng Philippine Red Cross (PRC) bilang alternatibo sa swab test para sa coronavirus.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni dating Health Secretary Paulyn Ubial, pinuno ng biomolecular laboratories ng PRC, matapos payagan ng Department of Health (DOH), ang saliva test na nasa mahigit 98% aniya ang accuracy para ma-detect kung may coronavirus ang isang tao.
Sinabi ni Ubial na nakapag-comply sila sa panel ng DOH nang maglatag sila ng mahigit 100 sample ng saliva at napatunayan naman ang pagiging epektibo nito.
Magbubukas ang dalawang lab namin dito sa Manila, sa Mandaluyong at Port Area Manila, ng 8a.m. at tumatanggap na po kami ng saliva samples,” ani Ubial. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais