Naka-full alert status din ang Philippine Red Cross o PRC sa inaasahang pagdagsa ng mga biyaherong magbabakasyon sa darating na Semana Santa.
Ayon kay Senador Richard Gordon, Chairman at CEO ng PRC, magde-deploy sila ng 2,000 manggagawa at volunteers at 150 ambulansya sa buong bansa para sa maagap na pagresponde sa mga emergency case.
Maglalatag din aniya sila ng mga first aid stations, welfare desks, emergency vehicles at mga ambulansya sa mga bus terminal, major highways, mga simbahan, beach areas at mga daungang-pandagat.
Layunin anila na mapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayan ngayong lalo na ngayong Semana Santa.
Samantala, maaari namang tumawag sa hotline ng PRC na 143 o 790-23-00 para sa mga emergency incident.