Nakaalerto na ang Philippine Red Cross o PRC sa posibleng pananalasa ng bagyong Jolina sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon sa PRC, inihahanda na nila ang disaster management services, kabilang ang mga rescue vehicles, logistics hubs at emergency response units.
Maliban dito, nakikipag-ugnayan na rin ang ang Masbate at Negros Occidental chapter nito sa mga lokal na pamahalaan kaugnay sa pre-emptive evacuation.
Nagdeploy na rin ang PRC Iloilo chapter ng assessment team para sa mga naapektuhan ng flash floods.
Samantala, patuloy naman ang coordination at validation ng PRC sa Western Samar kung saan katuwang nila ang Local Government Units para sa mga naitatalang pinsala at evacuation.
Naka standby na rin ang mga PRC Chapter sa Aurora, Laguna, Lapu-Lapu,Cordova, Northern Samar, Camarines Sur, Camarines Norte, Mindoro Oriental, Leyte, at Sorsogon sa pagtama ng bagyo.