Nakaalerto na ang Philippine Red Cross (PRC) sa posibleng hagupit ng bagyong Lannie sa ibat-ibang lugar sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Ayon sa PRC, nagpaplano na ang ibat-ibat chapter ng kanilang ahensya para sa posibleng maging pinsala ng naturang bagyo.
Layunin ngayon ng PRC na malaman ng publiko ang 4Ps o ang tinatawag na “Predict, Plan, Prepare at Practice” lalo na sa mga may mabababang lugar o mabilis bahain.
Dapat din na magkaroon ang bawat isa ng emergency plan, disaster kit na may lamang mga suplay ng pagkin, tubig, flash light, baterya, first aid kit, gamot at makinig sa mga balita.
Samantala, inaasahan namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lannie sa Huwebes, Oktubre 7, 2021. —sa panulat ni Angelica Doctolero