Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-donate ng dugo dahil sa malaking pangangailangan ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ipinabatid ng PRC na marami ngayon ang humihingi ng dugo sa kanila ngunit kakaunti na ang nagdo-donate.
Malaki anila ang demand ngayon ng dugo dahil sa pandemya kaya mahalaga umanong mayroon silang laging available para maibigay sa mga nangangailang pasyente.
Sinabi ng PRC na handa silang puntahan ang grupo o asosasyon na nais magbigay ng dugo.