Naghahanap na rin ng mga donor ng convalescent plasma mula sa mga gumaling na pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Philippine Red Cross.
Ayon kay PRC National Blood Services director Monina Nalupta, maaaring magdonate ng plasma ang mga may edad 18 hanggang 65 ang nakarekober na pasyente ng COVID-19.
Aniya, isasailalim muna ang mga posibleng donor sa physical at medical examination para malaman kung pasok ang lebel ng kanilang antibodies para maging therapeutic o matutulong gumaling sa mga sasalinang pasyente.
Sinabi ni Nalupta, hindi aniya lahat ng mga gumaling nang pasyente ng COVID-19 ang magiging kuwalipikado para maging donor ng plasma.
Sinimulan ng Philippine Red Cross ang kanilang convalescent plasma donation drive sa pamamagitan ng mga donasyon blood plasma mula sa mg frontliners na nakarekober sa COVID-19.
Umaaasa naman ang Philippine Red Cross na aabot sa 20 kada araw ang matatanggap nilang donasyon ng blood plasma.