Pinaalalahanan ng Philippine Red Cross (PRC) ang publiko na mas lalo pang mag-ingat laban sa Delta variant.
Binigyan diin ng bagong PRC COVID-19 response consultant na si Dr. Teddy Herbosa, na mahalaga para sa local government units napalawakin ang kanilang “four door policy,” tulad ng pagpapaigting sa Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate o PDITR policies at maging ang pagpapalawak sa kapasidad ng healthcare system.
Katuwang ng gobyerno ang PRC sa pagpapatupad ng four door policy kabilang na ang COVID-19 vaccination program.
Kaugnay nito, umaasa si Herbosa namabakunahan sa lalong madaling panahon ang lahat ng priority groups lalo na ang senior citizens at persons with co-morbidities.
Kabilang sa four door policy ang border control, active surveillance kasama ang test at trace, early isolation at treatment sa lahat ng nagpositibo sa virus at COVID-19 vaccination program. —sa panulat ni Hya Ludivico