Pinag-aaralan ng Philippine Red Cross (PRC) ang pag-aalok ng COVID-19 saliva RT PCR test sa mga malalaking shopping malls.
Ito ayon kay Dr. Paulyn Ubial, pinuno ng molecular laboratory ng PRC ay para mas marami pa ang makapag-avail ng saliva test na mas mura ng 60% kumpara sa swab test at higit na ligtas para sa mga nangongolekta ng samples.
Sinabi ni Ubial na kahit sa parking lot ng mga shopping malls ay uubrang gawin ang saliva test.
Hindi na aniya kailangang lumabas ng kotse ang mga nais mag-avail ng saliva test dahil ibibigay lamang ang sample kit kung saan dudura at i-aabot na lamang ito sa sample collector na siyang kaagad maglalagay ng sample sa styro box for security and safety at para hindi ma-expose sa extreme temperature.
Muling ipinaalala ni ubial sa mga nais magpa -aliva test na huwag uminom at kumain at dapat mag-tooth brush ng 30 minuto bago ang kanilang itinakdang test.