Sanib-puwersa ang Philippine Red Cross (PRC) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa pagkakasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) saliva test sa Subic Bay Freeport.
Kasunod na rin ito nang pormal na pagbubukas ni SBMA chair and administrator Wilma Eisma ng saliva collection facility sa PRC SBMA COVID-19 testing center na matatagpuan malapit sa Subi c Bay Freeport Main Gate.
Sinabi ni Eisma na bukod sa hindi masakit ang saliva testing, mas mura rin ito kaysa swab test at mas ligtas dahil nababawasan ang exposure ng pasyente at health workers na kumokolekta ng sample.
Mas madali ang proseso ng saliva test dahil mangangailangan lamang ng laway na 1 to 2 milliliters na ilalagay sa isang collection container.
Ang proseso, ayon sa PRC, ay umaabot lamang ng anim (6) hanggang 12 oras at makukuha na kaagad ang resulta.