Sinagot na ng Philippine Red Cross ang issue kaugnay sa umano’y false positive COVID-19 test result na pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa red cross, kinuha ang samples sa Unihealth-Baypointe hospital and Medical Center sa Subic Bay Freeport Zone ng kanilang mga personnel at isinailalim sa test sa molecular laboratory ng PRC sa subic.
Sa 48 samples, 45 rito ang positibo kaya’t nagkaroon ng re-run at manual process upang tanggalin ang posibleng maling resulta pero positibo pa rin ang kinalabasan.
Aminado ang PRC na posibleng nagkaroon ng malaking epekto sa kinalabasan ng resulta ang “timing” ng tests at wala namang siyento porsyentong test na accurate.
Nagmula ang negative result ng kinukwestyong tests sa mga specimen na kinolekta makalipas ang tatlong araw na maaaring isa sa mga dahilan ng negatibong resulta.
Maaari anilang negatibo talaga sa COVID-19 ang mga kliyente sa panahon na sumailalim sila sa ikalawang test. —sa panulat ni Drew Nacino