Suspendido ngayong araw, September 15 at bukas, September 16 ang Physicians Licensure Examination.
Batay sa abiso ng Professional Regulation Commission (PRC), pansamantalang kinansela ang nasabing pagsusulit na gaganapin sa Maynila, Baguio, Cebu at Davao dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Sinabi ng PRC na kanilang iaanunsyo na lamang kung kailan muli itatakda ang naturang licensure examination.