Umaarangkada na ang COVID-19 saliva testing ng Philippine Red Cross (PRC) sa Metro Manila at sa Mandaluyong.
Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng PRC, target nilang palawigin pa ang nasabing testing sa kanilang mga laboratories sa buong bansa sa unang araw ng Pebrero ngayong taon.
Aniya, mayroon silang 20 machines para rito sa Metro Manila, habang magkakaroon pa ng 28 machines para sa nalalabing bahagi ng bansa na kayang magsagawa ng 1,000 tests kada araw.
Samantala, nasa 136 tests naman ang naisagawa na ng PRC sa unang araw ng pagsisimula ng kanilang COVID-19 saliva testing noong Lunes.