Plano ng Philippine Red Cross o PRC na pataasin pa ang testing capacity sa Cordillera Autonomous Region (CAR).
Ayon kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon, susuportahan ng PRC ang Aggressive Community Testing o ACT ng gobyerno.
Sa liham ni National Action Plan against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon kay Gordon, umapela ito ng tulong upang itaas sa 7,000 ang daily testing capacity sa CAR.
Kaugnay nito inatasan na ng Senador ang PRC Isabela chapter na paigtingin ang kapasidad ng Isabela molecular laboratory.
Sinabi pa ni Gordon na ang nasabing hakbang ay patunay lamang na ang PRC ay katuwang ng gobyerno sa mga programa nito.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico