Binuksan na ng Philippine Red Cross (PRC) ang testing laboratory nito sa Batangas, kahapon, 9 ng Hulyo.
Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Red Cross, pwede na aniyang magamit ang kabubukas lang na Batangas molecular laboratory.
Kasunod nito, inaasahan pa ng pamunuan ng PRC na mas makatutulong ang naturang testing laboratory para maparami pa ang masuri sa COVID-19.
Bukod pa rito, kayang magsagawa ng naturang laboratory ng nasa 4,000 mga swab samples kada araw, at kaya rin nitong mai-release ang resulta sa loob ng 48 oras o dalawang araw.
Samantala, bukod sa Batangas, maaari ring magamit ng kalapit na lalawigan ang naturang molecular laboratory.