Bukas na para sa mga walk in sa nakatatanda ang bakuna center ng Philippine Red Cross (PRC).
Ibinahagi ng PRC na nakahanda na ang kanilang mga volunteers at staff na magbakuna gamit ang Astrazeneca at Sinovac sa Edsa Boni.
Ipinabatid naman ng PRC na kailangan muna magrehistro sa prcvax.dashlabs.app ang mga magpapabakuna bago magtungo sa nasabing vaccination site.
Kapag nakumpleto na ang online form ay kailangan naman ipakita ang QR code sa PRC Edsa Boni Bakuna Center.
Kailang ding mayroong valid ID at ballpen gayundin dapat nakasuot ng face mask at dapat sumunod sa tamang protocol.
Samantala, bukas naman ito simula Lunes hanggang Biyernes mula alas nuebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Habang tuwing Sabado naman ay bukas ang center mula alas nuebe ng umaga hanggang alas- dose ng tanghali.