Umaapela na ng suplay ng dugo ang Philippine Red Cross.
Ito, ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng PRC, ay dahil mababa na ang suplay ng dugo sa mga ospital lalo pa’t nasabay ang pandemya sa dengue season.
Dahil dito, nanawagan si Gordon sa publiko na magdonate ng dugo sa Red Cross.
Maaari aniyang tumawag sa hotline ng Red Cross na 143 para sa detalye kung saan maaaring puntahan ng mga tauhan ng Red Cross ang mga nais magdonate ng dugo.