Inihayag ni Presidential Security Group Colonel Randolph Cabangbang na wala silang hawak na rekord ng mga tauhang nagpositibo sa isinagawang RT-PCR test ng Philippine Red Cross (PRC).
Ayon kay PRC Secretary General Elizabeth Zavalla, wala silang natanggap na listahan mula kay Cabangbang ng umano’y higit isang daang (187) tauhan ng psg na nagtamo ng false positive result.
Giit din ni niya na ang mga lumalabas na isyu sa humanitarian organization tulad ng mga nag-false positive na health workers sa Subic Baypoint Hospital ay dulot ng mga alitan sa pagiging CEO ng PRC na si Senator Richard Gordon.
Samantala, kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na walang nakitang kontaminasyon sa isinagawang test ng PRC. —sa panulat ni Airam Sancho