Dapat nang i-require ng gobyerno sa mga biyahero mula China ang pre-departure covid-19 test.
Ito ang panawagan ng grupong OCTA Research sa gitna nang pagluluwag ng travel restrictions sa China sa kahit matindi umanong covid-19 surge ang nararanasan sa naturang bansa.
Iminungkahi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David ang naturang hakbang lalo’t mayroon na ring kahalintulad na test ang US at Japan dahil sa dumaraming kaso sa China.
Ayon kay David, mataas ang “immune escape” ng mga subvariants ng covid-19 at kahit bakunado na ay maaari pa ring dapuan ng virus nang hindi nagpapakita ng anumang sintomas.
Sa ilalim ng kasalukuyang health protocols, hindi isasailalim sa covid-19 test ang mga pasaherong dumarating ng Pilipinas hangga’t sila ay fully vaccinated.
Para naman sa mga unvaccinated at partially vaccinated passengers, dapat magpakita ng negatibong covid-19 test results, pero kung wala ay sasailalim sila sa test pagdating.