Ipinag-utos na ang pagsasagawa ng mga pre-emptive evacuation sa ilang lugar sa Bicol Region at Samar Province dahil sa inaasahang may kalasakang pagtama doon ni Bagyong Bising.
Ito ang inihayag ng regional council sa kasagsagan ng third pre-disaster risk assessment meeting na pinangunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMC) for Bicol, na nagpapatupad na sila ngayon ng initiated pre-emptive evacuation sa mga lugar ng Camarines Sur, Catanduanes, at Sorsogon.
Samantala, ganito rin umano ang ipinatutupad ngayon ng RDRRMC for Eastern Visayas sa ilang lugar ng Northern Samar, at Eastern Samar.
Sinabi naman ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na nakaantabay na ang kanilang mga response teams and resources sakaling kailanganin sa panahon ng pananalasa ni Bagyong Bising.
Inihayag naman ng NDRRMC na nasa P182-M worth ng food packs ang nakastandby na sa iba’t-ibang warehouse ng DSWD sa buong bansa.