Nagsasagawa ng Pre-emptive evacuation ang Bayan ng Candijay, Bohol matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Ayon kay Jerry Lacang-Fuentes, Head ng Candijay Disaster Risk Reduction and Management Office, isinasagawa ang Pre-emptive Evacuation ng mga residenteng naninirahan sa mga flood prone at landslide prone areas para matiyak ang kaligtasan ng mga resindente.
Alas-4:00 kahapon, hindi bababa sa dalawampu na apektadong pamilya mula sa Barangay Cambane ang kasalukuyang nasa Tambongan National High School habang limang pamilya mula sa Barangay Luan sa Luan Elementary School, at 11 pamilya mula sa Barangay Panadtaran sa Panadtaran Elementary School.
Itinuturing na landslide at flood prone areas ang Cambane, Luan at Pandataran.
Samantala, naghatid na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya. —sa panulat ni Jenn Patrolla