Nilinaw ng Department of Foreign Affairs o DFA na kailangang magpalista sa kanilang munisipyo o city hall ang sinumang gustong kumuha ng serbisyo ng passport on wheels ng DFA.
Ginawa ni DFA Assistant Secretary Frank Cimafranca ang paglilinaw makaraang dumugin ng mga gustong kumuha ng pasaporte ang passport on wheels sa Manila City Hall.
Ayon kay Cimafranca, puwedeng i-request ng pamahalaang lokal na magkaroon ng passport on wheels sa kanilang bayan o syudad para sa kanilang mga kababayan.
“Kailangan ang pre-registration para maayos ang proseso, at they have to be pre-screened, kailangang i-verify kung wala silang problema, wala sila sa lookout list, walang anumang pending cases para hindi na-suspend yung application nila.” Pahayag ni Cimafranca
Balitang Todong Lakas Interview