Nilinaw ng Commision on Elections (Comelec) na “fake news” o hindi umano totoo ang mga social media post na “Pre-shaded” ang mga balotang ibinibigay sa Singapore.
Ayon sa Comelec Commissioner George Garcia, walang “Pre-shaded” ballots sa Singapore na ibinigay sa mga botante.
Sinabi naman ng Philippine Embassy sa Singapore na may isang insidente lamang kung saan, isang Poll ballot ang naibigay nang hindi umano sinasadya.
Dagdag pa ng Philippine Embassy sa Singapore na sa ngayon ay naiulat na ito sa minutes of voting at itinuturing na isolated incident. — sa panulat ni Angelica Doctolero