Itinanggi ng Philippine Consulate General’s Office (PCGO) sa United Arab Emirates ang mga ulat na mayroon ng mga pre-shaded ballot sa unang araw pa lamang ng overseas absentee voting.
Nag-ugat ito sa kumakalat na social media post na isang botante ang nabigyan ng pre-shaded ballot noong linggo ng palaspas, na unang araw ng overseas voting.
Ayon sa PCGO, wala namang iniulat na iregularidad ang mga poll watcher mula sa limang magkaka-ibang political party na nakatalaga sa mga polling place.
Ipinunto ng konsulada na kung mayroon mang ganitong mga insidente ay recorded at opisyal itong isususmite sa Commission on Elections upang umaksyon.
Inabisuhan naman ng konsulada ang mga botanteng Filipino sa Dubai na maging mapagmatyag laban sa mga maling impormasyon at iwasang magpakalat ng disinformation sa social media.