Kinansela ng Sandiganbayan 6th Division ang pre-trial sa kasong graft laban kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at labing anim (16) na kapwa akusado nito.
Ang kaso ay may kaugnayan sa maanomalyang kontrata ng gun license delivery na pinasok ng PNP sa Werfast Documentary Agency.
Nabatid na hindi pa tapos ang marking of exhibits ng magkabilang panig kaya itinakda na lamang ng Anti-Graft Court sa Abril 18 ang pre-trial.
Batay sa reklamong isinampa ng Office of the Ombudsman, kwestyunable umano ang kontrata ng PNP sa Werfast para sa mandatory courier service ng mga lisensya ng baril, noong pinuno pa ng Pambansang Pulisya si Purisima.
Hindi umano dumaan sa public bidding ang Werfast, bukod pa sa hindi ito rehistrado sa SEC o Securities and Exchange Commission nang ibigay ang kontrata noong May 2011.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)