Hindi natuloy ang pre-trial sa kaso ni Senator Gringo Honasan sa Sandiganbayan.
Dahil dito, ni-reset o muli itong itinakda ng ikalawang dibisyon ng Anti-Graft Court sa Disyembre 1, taong kasalukuyan.
Kahit humarap sa korte si Honasan, naudlot pa rin ang pre-trial dahil sa mayroon pa itong isyu na hindi pa narereolba ng korte kabilang na rito ang hindi pa nadedesisyunan na motion to quash ng senador.
Nahaharap sa dalawang bilang ng kasong katiwalian si Honasan dahil sa umano’y iregularidad sa paggamit ng kanyang 30 milyong pisong pork barrel fund.
—-