Inaprubahan ng Sandiganbayan First Division ang hirit ng kampo ni Senador Bong Revilla Jr. na ipagpaliban ang pre-trial sa kanilang plunder case ni Richard Cambe.
Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Revilla na tapusin munang basahin ang 434 na pahina ng pre-trial evidence.
Maliban dito, hindi pa rin umano tapos ang prosecution sa pre-marking ng mga ebidensya.
Muling itinakda ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kaso ni Revilla at Cambe sa September 30 samantalang ang pre-marking ng mga ebidensya ay tuwing Biyernes simula sa June 26.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)