Inilipat ng Sandiganbayan First Division sa Pebrero 4, 2016 ang pre – trial sa kasong plunder ni Sen. Bong Revilla.
Ito ay matapos pagbigyan ni First Division Judge Efren dela Cruz, ang kahilingan ng prosekusyon at depensa na iurong ito dahil hindi pa sila tapos maglagay ng markings para sa mga documentary evidence.
Itinakda naman sa Oktubre 7, 2015 ang preliminary conference para sa kaso.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)