Pitong kabahayan ang inanod ng malalaking alon sa bahagi ng Dawis, Brgy. San Agustin, Tandag City, Surigao Del Sur bunsod ng Bagyong Odette.
Ayon sa Office Of The Civil Defense, walang naitalang causalty sa lugar at nailikas na ang mga residente sa buong Caraga Region na nakatira malapit sa coastal areas upang maging ligtas sa banta ng bagyo.
Ayon kay Pagasa-Hinatuan Weather Forecaster Jell Balesa, nagkaroon ng storm surge sa mga coast areas at mga pagbaha dahil sa mga pag-ulan na dala ng Bagyong Odette kung saan, nagpatupad na ng rainfall intensity sa nabanggit na lugar.
Samantala, magsasagawa naman ng pre-emptive evacuation ang provincial government sa Dinagat Island Province para sa mga vulnerable na mga indibidwal sa mga bayan ng Libjo, Cagdianao, San Jose at dinagat kasabay ng pagpapatupad ng ‘no sail’ policy sa lahat ng mga uri ng sasakyang pandagat.
Naka-antabay narin ang lahat ng mga government agencies at mga local government units upang matiyak ang zero casualty sa paghagupit ng Bagyo Odette. —sa panulat ni Angelica Doctolero