Inirekomenda na ng Office of Civil Defense sa Cordillera sa mga lokal na pamahalaan doon na magpatupad na ng preemptive evacuation sa kanilang mga nasasakupan.
Ito’y makaraang makapagtala ng mataas na dami ng ulang bumabagsak sa mga lalawigan sa rehiyon bunsod ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Egay.
Ayon kay Andrew Alex Uy, Regional Director ng OCD – Cordillera, posibleng magtagal hanggang bukas ang nararanasang malalakas na ulan sa kanilang rehiyon kaya’t inaabisuhan ang mga residente na maghanda partikular na iyong mga nasa high risk areas.
Patuloy namang nakatutok ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa sitwasyon sa mga lugar na apektado ng bagyong Egay para sa agarang ayuda na kanilang ibibigay.
By Jaymark Dagala