Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa anim (6) na airport personnel na sangkot sa umano’y tanim-laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dalawa lamang ang lumutang sa pagdinig sa pangunguna nina Office for Transportation Security Personnel Marvin Garcia at Ma. Elma Cegna.
Hindi man dumalo sa hearing, pero nagpadala ng abogado sina PNP Aviation Security Group Operatives Police Insp. Adriano Junio, SPO4 Ramon Bernardo at SPO2 Romy Navarro, gayundin si Rolando Clarin.
Ang mga nabanggit na respondents ay pawang humihingi ng karagdagang panahon para sagutin ang reklamong inihain ni American missionary lane Michael White at stepmother niro na si Eloisa Zoleta.
By Meann Tanbio