Natapos na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa sedition case laban kay Vice President Leni Robredo at 35 iba pa dahil sa umano’y tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.
Nabatid na tanging sina dating Magdalo Partylist Representative Gary Alejano at isang Jonnell Sangalang, staff umano ni dating Senador Antonio Trillanes, lamang ang bigong makapagsumite ng counter affidavits.
Mayruong 60 araw ang state prosecutors para desisyunan kung may probable cause para kasuhan ng sedition si Robredo at mga kapwa akusado.
Una nang isinampa ng PNP-CIDG ang mga kasong cyberlibel, libel, at obstruction of justice laban kina Robredo, batay na rin sa testimonya ni Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si Bikoy na nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” videos na nagdawit sa pamilya Duterte sa illegal drugs operations.