Isinasagawa ngayon sa Korte Suprema ang preliminary conference para sa gaganaping oral arguments sa mga petisyong kumukuwestyon sa martial law sa Mindanao, bukas Hunyo 13.
Inaasahang nakapaghain na rin ng kanilang komento sa Korte Suprema ang Solicitor General bilang respondent sa mga petisyon.
Nauna nang ipinag-utos ng SC o Supreme Court na pag-isahin na ang tatlong (3) petisyong humihiling na ipawalang bisa ang deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte ng batas militar sa Mindanao.
By Len Aguirre | With Report from Bert Mozo