Nakatakdang simulan bukas, Hulyo 11 ng Korte Suprema ang preliminary conference sa election protests ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Ribredo.
Sa nasabing conference didinggin ng Korte Suprema, na umuupo bilang PET o Presidential Electoral Tribunal, ang pag-kuwestiyon ni Marcos sa resulta ng botohan sa mahigit isang daan at tatlumpong libong (130,000) mga presinto.
Habang sa counter protests ni Robredo, kanya namang kinukwestiyon ang resulta ng botohan sa mahigit tatlumpong libong (30,000) mga presinto.
Una nang ipinagutos ng Korte Suprema ang pagbabayad ni Marcos ng 66.2 million pesos para sa kanyang protesta at 15.44 million pesos naman kay Robredo sa kanyang counter protests.
By Krista De Dios