Aarangkada ngayong Martes ang preliminary conference sa itinakdang oral argument sa kaso ni Senador Grace Poe.
Sa abiso ng korte, isasagawa ang preliminary conference mamayang alas-10:30 ng umaga sa justice’s lounge sa ika-pitong palapag ng Annex Supreme Court building sa Padre Faura Street.
Inaasahang pag-uusapan sa preliminary conference ang mga mahahalagang isyu at limitasyon kaugnay ng isasagawang oral argument sa Enero 19, alas-2:00 ng hapon.
Una rito, ipinatawag ng Korte Suprema ang kampo ni Senador Poe, mga kinatawan mula sa COMELEC at mga private respondents na sina Atty. Estrella Elamparo, dating Senador Francisco Tatad, Atty. Amado Valdez at Professor Antonio Contreras patungkol sa naturang usapin.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)