Hindi nababahala ang pambansang pulisya sa pasya ng ICC o International Criminal Court na ilunsad ang preliminary examination sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Vimelee Madrid, walang magiging epekto ang gagawing pagsusuri ng ICC sa pagpapatuloy ng kanilang kampaniya kontra iligal na droga.
Magpapatuloy lamang aniya ang PNP sa kanilang mandato na sugpuin ang salot na iligal na droga alinsunod na rin sa itinatadhana ng saligang batas.
Giit ni Madrid, welcome para sa PNP ang sinuman na imbestigahan ang mga ipinatutupad nilang polisiya o hakbang kaugnay ng war on drugs.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio