Hindi muna naghain ng kanilang counter affidavit ang kampo ng mga itinuturing na suspek sa hazing kay UST Law Freshman Horacio Castillo III na sina John Paul Solano at Jason Adolfo.
Sa isinagawang preliminary investigation hearing kahapon sa Department of Justice, sinabi nila Atty. Paterno Esmaquel at Adenn Sigua, abogado nila Solano at Adolfo na mayruon na silang inihandang affidavit.
Subalit nagpahayag si Atty. Lorna Kapunan, abogado ng pamilya Castillo at MPD o Manila Police District na may ihahain pa silang supplemental affidavit na may kaugnayan pa rin sa kaso.
Dahl dito, hiniling ng mga respondent na bigyan sila ng sapat na panahon upang mabasa at mapag-aralan ang mga idaragdag na affidavit ng kabilang panig upang isang dokumento na lamang ang kanilang isusumite.
Dahil dito, itinakda ng panel of prosecutors sa ika- siyam ng Oktubre ang susunod nitong pagdinig para maihain ng kampo ng mga complainant ang kanilang affidavit habang sa Oktubre a-24 naman para sa panig ng mga respondent.