Umarangkada na ang imbestigasyon ng Department of Justice o DOJ kaugnay sa mga kasong isinampa laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Kasong inciting to sedition at proposal to commit coup d’etat ang isinampa nila dating Congressman Jacinto Paras, Atty. Manuelito Luna at iba pang abogado laban sa senador.
Nag-ugat ang nasabing reklamo sa privilege speech ni Trillanes noong Oktubre 3 kung saan, inakusahan nito si Pangulong Rodrigo Duterte mayroong dalawang bilyong pisong bank transactions na hindi aniya deklarado sa kaniyang SALN noong siya’y alkalde pa ng Davao City.
Giit ng mga petitioner, ipinahamak umano ni Trillanes ang estado at ang publiko dahil sa mga pahayag na tila humihimok pa sa publiko na mag-aklas laban sa administrasyon.
—-