Gumulong na ang Prelimenary investigation kaugnay sa kasong isinampa ng kampo ni Senador Bongbong Marcos laban sa mga opisyal ng SMARTMATIC sa Manila Prosecutors Office.
Kaugnay ito sa paglabag umano ng SMARTMATIC sa umiiral na Cyber Crime Law kasunod ng ginawang pagpapalit ng IT Expert na si Marlon Garcia sa Hashcode sa Transparency Server ng COMELEC sa kasagsagan ng bilangan nuong Mayo 9.
Ngunit humirit ng Sampung araw na palugit ang SMARTMATIC sa kadahilanang huli na umano nilang natanggap ang kopya ng reklamo laban sa kanila at kailangan pa itong pag-aralan.
Dahil dito, itinakda ni Manila Asst. City Prosecutor Hector Macapagal sa ika-17 ng Hunyo ang susunod na pagdinig para makapaghain ng kontra salaysay ang SMARTMATIC hinggil sa usapin.
By: Jaymark Dagala