Gumulong na ang preliminary investigation ng Department of Justice panel of prosecutor laban sa mga pulis na di umano’y nasa likod ng pagpatay kay Albuera Mayor Ronaldo Espinosa.
Dumating sa pagdinig ang 23 mga pulis kabilang sina CIDG Region 8 Director Police Supt. Marvin Marcos at ang pulis na nakabaril mismo kay Police Chief Inspector Leo Laraga.
Bigong makapagsumite ng counter affidavit ang 14 na mga inirereklamong pulis dahil wala pa silang abogado.
Kaya naman binigyan ng hanggang January 23, 2017 ang mga respondents upang makapagsumite ng kontra – salaysay.
By: Rianne Briones