Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa ikalawang batch ng mga complainants kaugnay sa umano’y pagkamatay ng mga batang naturukan ng dengvaxia vaccine.
Kahapon, unang ginanap ang pagdinig sa kaso ng DOJ panel of prosecutors sa pangungunan ni Senior Assistant Prosecutor Susan Dacanay.
Kabilang dito ang walong set ng reklamong kriminal mula sa mga magulang ng walong batang nasawi matapos umano mabakunahan ng dengvaxia.
Reckless imprudence resulting to homicide, paglabag sa Consumer Act at batas laban sa torture ang ipinagharap kay dating Department of Health (DOH) Secretary Jannette Garin at iba pang mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH.
Gayundin sa mga direktor at opisyal ng manufaturer ng dengvaxia na Sanofi Pasteur Incorporated at local distributer nito na Zuellig Pharma.
Hiwalay naman ito sa naunang reklamo ng siyam na grupo ng mga magulang din ng iba pang mga batang hinihinalang nasawi dahil sa dengvaxia.
Samantala, itinakda naman ng DOJ mamayang alas diyes ng umaga ang isa pang pagdinig sa kaso para sa paghahain ng affidavit ng mga complainant.