Muling itinakda ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong kinakaharap ng casino junket operator na si Kim Wong sa Mayo 3.
Ito’y makaraang maunsyami ang preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa kasong isinampa ng Anti-Money Laundering Council o AMLC laban kay Wong hinggil sa 81-million dollar money laundering scandal.
Nabatid na naghain ng mosyon ang kampo ni Wong kahapon para humingi ng sapat na panahon na maihain ang kanilang kontra salaysay.
Si Wong ay nahaharap sa kasong paglabag sa section 4-A at B ng Republic Act Number 9160 o Anti-Money Laundering Law of 2001.
By Meann Tanbio