Sinimulan na ng Panel of Prosecutors ang Preliminary Investigation sa 59 na naarestong miyembro at supporter umano ng Maute Group.
Ang mga respondent ay pinapirma ng attendance bago ipina-translate ng panel sa Tausug ang mga inihaing kontra salaysay sa kasong rebelyon na isinampa ng AFP o Armed Forces of the Philippines laban sa mga ito.
Una nang humarap sa DOJ panel ang mga nasabing respondents nuong July 28 para sa inquest proceedings matapos ilipad ng C-130 plane ng Air Force mula Zamboanga.
Isang waiver of detention ang nilagdaan nuon ng mga akusado kayat nagpasya ang panel of prosecutors na isailalim sa full blown preliminary hearing ang kaso.
Kabilang sa mga naaresto ang itinuturong recruiter ng grupo na si Nur Supian.
By Judith Larino / (Ulat ni Bert Mozo)